Sunday, January 6, 2019

MALAUS KA PAMPANGA!


   “Mekeni tuki ka, malaus ta Pampanga, Mekeni tuki ka, mamasyal ta Pampanga”, isang sikat na linya mula sa kantang pinasikat ng Arti~Sta. Rita na naglalayong mang-engganyo ng mga tao na pumunta sa Probinsiya ng Pampanga.

       Tunay ngang magagaling sa pagluluto ang mga Kapampangan kaya ito binansagang "Culinary Capital of the Philippines", isa ito sa mga dahilan kaya naman dinadayo ito ng mga tao mula sa iba't ibang lugar ng bansa. Atin pang ilarawan; umpisahan natin sa dalawampu't dalawang lalawigan at lungsod. Una na rito ang Angeles, na nakilala bilang isang siyudad noong 1964 at ngayo'y nangunguna sa mga mataas na klase ng mga hotel, gusali, restaurant, food processing businesses, furniture, at manufacturing factories, mga shopping mall, financial institutions, at mga naglalakihan at kilalang mga eskwelahan. Ang Hot Air Balloon Festival ay isa sa mga masaya at makulay na aktibidad ng siyudad. Ang pagdiriwang ito ay ginaganap sa pagitan ng Enero at Pebrero sa Clark Freeport Zone. Kadalasan din itong ginaganap sa Omni Aviation Complex.  Apalit, sa isang banda, ay kilala sa paghahabi at metal industries. Habang ang Arayat naman ay kilala sa isang natutulog na bulkan na tinatawag na Bundok ng Arayat, tahanan ng magandang diwata na ayon sa alamat, kanyang pinoprotektahan ang bundok Flora at Fauna. Susunod sa listahan ay ang lungsod ng Bacolor, na kilala bilang sinilangang-bayan ng pinaka-matandang eskwelahang panghanap buhay sa Far East, ang Escuela de Artes y oficios de Bacolor, na itinayo noong ika-4 ng Nobyembre 1861. Ang nasabing eskwelahan ngayon ay tinatawag nang DHVTSU o Don Honorio Ventura Technological University. At ang  lugar ng mga Pambansang Bayani ay ang Candaba, ito ay kilala dahil sa mayamang bukirin kung saan lumalago ang mga pananim na pakwan o watermelon at  sa nakamamanghang laki ng mga hito o catfish at mudfish rito.

   Florida, ang pumapangalawang pinakamalaking tagagawa ng bigas sa probinsya at kalauna'y nakilala dahil sa kanilang Sugar Farms. Karugtong nito ay ang Lubao, na kinilala dahil din sa malaking taniman ng mga tubo o sugar cane, mga isda at ang kinikilala nating pambansang bulaklak ang sampaguita. Guagua, sa kabilang dako, ay ang sentro ng tarde at negosyo sa pangalawang distrito ng Pampanga. Habang ang Mabalacat ay nakilala bilang isa sa mga bayan ng Pampanga noong Hulyo 1996. Ang lupain nito ay umaabot ng 15,262 hectarya na doble pa sa laki lungsod ng Angeles. Macabebe ay isang kilalang makasaysayang lugar sa buong arkipelago dahil sa cloth traders at dahil na rin sa katapangan ng mga sundalo sa ilalim ng kapangyarihan ni Rajah Soliman. Magalang, ay ang lugar na may ipagmamalaki na mayroon na pinaka-matandang mga eskwelahan pang-agrikultura,  obserbatoryo ng klima,  ang Pampanga Agricultural College na itinayo ng mga Espanyol noong 19th siglo. At ang Masantol ay kilala bilang ang bayan ng pangingisda at ang Mexico ay kilala naman dahil sa matatamis na prutas ng Chico.

     Sa Pampanga parin, ang susunod na lugar ay ang Minalin na binansagang "Egg Basket of Luzon" dahil sa malaking proporsyon nito ng pagbebenta ng mga manok. Ito rin ang mineral tamping ground at nangungunang pinagmumulan ng granite. Ngayon naman ay ang ulong-bayan o ang Capital City of Pampanga, ang San Fernando City na sikat sa tuwing panahon ng kapaskuhan sa mga naglalakihang parol na labis na ipanagmamalaki ng probinsiya ng Pampanga. Ang San Simon at San Luis naman ay kilala sa mga larangan ng pagsasaka samantalang isa sa makasaysayang bayan naman ang Sasmuan. Kilala ito sa mga iba't ibang okasyon tulad ng mga kapistahan. Dumako tayo sa bayan ng Sta. Rita, kilala sa mga masasarap na food delicacies tulad ng Turones de Casoy. At hindi rin magpapahuli ang bayan ng Sto. Tomas na kung saan makikita ang mga palayukan o mga gumagawa ng iba't ibang uri ng palayok.

Tunay nga na ang bawat bayan ay may ipagmamalaki sa iba't ibang larangan. Tara na at mamasyal sa Pampanga!